Yung dati daw naming security guard ay drug addict. I mean, di naman ako maalam sa ganyang bagay pero sabi nung isang coworker ko ganun daw itsura nila lalo na pag matagal na gumagamit. Plus he did jail time for a long time, too.
Kaya pala minsan may mga lumalapit sakin tinatanong kung nagsshabu ba o lasing si kuya sekyu pagkatapos nila maka-interact. I never really knew how to answer that, I just say no kasi malay ko ba. Akala ko joke sis. Wild ko naman kung umoo ako.
It kinda makes sense now. I did feel na may kakaiba but yknow, not really my business plus wala naman akong naramdamang hostile energy or something.
Overall, friendly naman yung interaction namin. Nagsasaing siya ng kanin tapos palagi niya akong inaalok tapos ako naman in return nagbibigay ng nilagang itlog. Tapos pag late ako uuwi kukulitin pa ako nun baka ma-holdap ako (other coworker is suki sa holdap unfortunately).
I don't really want to judge. Sana makahanap siyang bagong trabaho at maging masaya siya sa buhay niya.